Senti Muna Ngayon
Kahit siguro gano ka kagago, mapapasenti ka rin pa minsan. Pang-balanse siguro--para hindi mabaliw. Ang problema, baliw na talaga ako kaya baka hindi angkop sa akin ang ganitong konsepto. Ganunpaman, itutuloy ko pa rin ang aking pagpapakasenti. Halos wala din namang nagbabasa ng blog ko, kaya ok lang naman siguro.
Masaya naman ako sa bago kong course. Maraming batikos, lalo sa mga taong malapit sa akin, liban sa aking kasintahan. Wala daw pera. Hindi din. Laki nga daw ng sweldo sa Korea ng professor sa English Literature, so baka magapply ako para dun. Baka makapunta pa kong Japan next term kung magoffer ulit ng exchange student application yung La Salle. Nagsasanay na nga kami ni Cherry ng Niponggo--Ohayo! Takanakata! (Dehins ko alam ibig sabihin nga lang...) Sa palagay ko naman nga hindi naman ako mahihirapang magkatrabaho, maayos naman yung grades ko, ewan ko nga lang kung mag-DL ako this term, medyo napabayaan e. Pero by next year graduate na din ako, hindi na masama ang 5 years na pagcollege, lalo't maayos ang grades ko kumpara dati sa UST.
At yun ang pinagkakasenti ko ngayon--miss ko na yung mga kaibigan ko sa UST. Sa isang banda, tama naman talaga ang desisyon ko, kasi hindi talaga ako sa Medtech e. Ang kakatawa pa, pagalis ko, umayos na sa pagaaral yung mga dati kong kasamahan. Feeling ko tuloy, B.I. pa ko para makamit nila yung mga pangarap nila. Kaya lahat-lahat, mabuti na rin na umalis na ako, para sa akin, at para sa kanila na din. Ang namimiss ko e yung panggagago nila.
Walang gago dito sa La Salle. Sa COE lang, kaso hindi naman dun yung course ko. Ang lahat dito, kundi geeks, cono. Naiintindihan ko na kung bakit malungkot yung girlfriend ko sa La Salle, wala kasing nagiisip ng "iba" dito. Lahat nakikisunod sa uso, sa napagisipan na ng iba. Walang kakatuwang hirit, walang nakakmanghang pahayag, walang masayang gaguhan.
Sa UST, pag humirit ka, me magdadagdag sa hirit mo. Sa LaSalle, me hihirit ng korni, lahat tatawa, tapos uulitin ulit yung hirit na yun hanggang mabagot ang lahat. Antagal ko nang hindi tumawa ng malakas--yung tipong hindi na ako makahinga sa katatawa. Puro pagtiis na hindi ko masaksak ng ballpen yung mga katabi kong cono na puro ere ang laman ng utak.
Kahit kami ni Cherry e napapadalas tuloy magaway. Sabi niya, puro "black and white" na ako magisip ngayon. Sa katunayan, nararamdaman ko dun yun. Sinisikap ko ngang magbago--mahal ko siya e. Pero may kahirapan, dahil napapalibutan ako ng mga taong "black and white" magisip. Makikitid ang mga utak, ako man ay nasa classroom, sa mga pagtitipon, o sa canteen (na patuloy na tumutulong sa aking pagtaba).
Lumiit yung mundo ko. Habang ang tiyan ko'y lumaki.
Naalala ko yung pangkukulit ko kina Vina at Lauren. Naalala ko yung mga hirit ni Paul. Naalala ko yung pangbubugbog ni Soleil kay EJ. Naalala ko yung pagsabay ng ko uwi sa jeep nina Robbie, Patrick at Ivy. Naalala ko yung mukha ni Quasimodo. Naalala ko yung ngipin ni Jerome. Mga tao tong nagiisip, nangkukulit at nanggagago. Hindi sila mga plastic (liban siguro ke Quasi) at alam nilang tumawa sa mundo at sa sarili nila.
Sa ngayon, nag-iinternship na ang mga kaibigan kong ito. Malapit na silang grumadweyt. Masaya ako para sa kanila. At alam kong karapatdapat sila sa kanilang makakamit. Siguro ang magagawa ko na din ay makamit ang mga pangarap ko tulad nila, bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa.
Sabi ko nga, masaya pa din naman ako sa napili kong landas. Siguro, malungkot lang ako kasi ako ay madalas mag-isa. Swerte pa din ako dahil ang taong mahal ko ay nasa aking tabi, pero pareho nga kaming nalulungkot madalas dahil sa napapalibot sa amin. Aasikasuhin ko pa lalo si Cherry at ang aking pag-aaral. Kukunin ko na ang majors ko sa susunod na term, at newbie na din ako sa La Sallian, kaya't magiging busy na ako. Si Cherry naman ay malapit na ding magtapos, kaya't panibagong hamon ito sa amin bilang magkasintahan. At siyempre, tuloy ang pagpapapayat.
Gusto ko lang sigurong magbalik-tanaw sa masasayang panahon ko kasama ang mga kaibigan sa UST. Ngunit pagkatapos ng pagsesenti, tuloy ang buhay, ika nga.
Putangina ang mga taga-College of Liberal Arts! Mamatay ang lahat ng Squatter!!! Hahahaha!


